Monday, June 2, 2014

June 2, 2014

Kumusta ka na? I hope you had a great day, unlike me. :( Sorry kung ito ang baon kong kwento ngayon. I just felt rejected by someone. Siguro nga, kasi di naman nya ko talaga gusto. O dahil sa inaaakala ko na ikaw na sya. Pero mukhang mali nga ako.

I had a long day. Anong oras na ko nakauwi. Ilang araw na ko halos 10pm na umuuwi. Maaga papasok, pero late na nakakauwi. Ok lang naman, kasi gusto ko na ding matapos yung mga dapat matapos. Pero dahil palapit na ng palapit yung deadline ko, lalo naman akong napre-pressure. Di ko na alam kung ano ang uunahin. Bukas, cut off ng payroll, need ko makapag timekeep tonight. Kasabay ng kasagsagan ng hiring, kelangan ko pa ding gumawa ng orientation material. Plus pa yung ibang tasks na napending ko na. :(

Nakakapagod, sa totoo lang, kinakaya ko na lang talaga. Ako na lang din mismo nag ko-comfort sa sarili ko, nagmo-motivate na magpatuloy kahit mahirap, kahit pagod, kahit sumasabay pa tong pasaway na migraine. Alam ko na hindi ako pababayaan ni Lord. Sa kanya lang ako kumakapit sa ngayon. Sana ikaw din. Anuman pinagdadaanan mo, kapit lang ke God. Andito lang ako, kasama mo na din sa paglalakbay.

Magpahinga ka na. Ako, mamaya pa, kelangan ko na umpisahang gawin yung kelangan ko maumpisahan.

Hanggang sa muli.