Monday, July 28, 2014

Hinanap kita..

Oo, hinanap kita..
sa kung saan-saan
sa kalye, sa jeep,
sa skul, sa plaza, 
sa LRT, sa bus, 
sa palengke, sa terminal
sa simbahan, sa mall
sa eroplano, sa tawiran
basta may tao, lahat tinitignan
Nagbabakasakali
Ika'y matatagpuan.

Ilang beses nabigo,
Ilang ulit nagkamali
Ilan na nga ba ang napagkamalan
Sa bandang huli'y hindi pa din.

Saan ka nga ba matatagpuan?
Kailan ka makikita?
Wala bang clue?
Wala man lamang bang paramdam?
Sino ka ba?
Bakit wala ka pa?

Ilang beses ko ba kailangang masaktan?
O kapagdaka'y makasakit sa ilan?
Sa paghahanap na sadyang walang kasiguraduhan
Kailan ba ito matutuldukan?

Mga katanungan ng puso't isipan
Sa bawat araw aking tangan-tangan
Hindi na nga ba matutugunan?
Wala na nga ba talagang kasagutan?

Oo, hinanap kita..
At hanggang ngayon,
Hinahanap pa din kita.
Nakakainip..
Nakapapagod..
Hihinto ako at mananahimik..
Ngunit bukas..

Ako'y lalakad muli, 
Magbabakasakali..
Sa kanto, sa sulok, 
Sa tulay, sa pier,
sa dalampasigan, sa parang
Sa kabilang daan, sa pagtawid
Sa stoplight, sa crossing..
Sa pagliko, sa pag-ikot
Baka ikaw na ang masagi.


No comments:

Post a Comment